05/04/2021
Bakit ba nagpapabayad pa ng Handling fee or Delivery fee ?
Delivery fee - Door to door
Handling fee - for meetups
Hindi kami nagpapabayad ng fees dahil trip lang namin or para kumita ng mas malaki. Yung sinisingil namin na delivery fee ay pang-gas lang ng sasakyan namin or ng inarkila namin.
Yung handling fee naman ay pamasahe lang din. Sa liit ng tubo sa mga products, ikakalugi na ng mga online seller kung sila rin ang magsshoulder ng pamasahe or gas.
Noon, hindi naman ako nagpapabayad lalo kung may lakad ako at madadaanan ko naman.
Kaso may time rin na wala akong service. At napakamahal na ng pamasahe ngayon sa jeep.
Kung may meet up ako sa wm. 60 pesos balikan. Jusmiyo marimar ! Eguls Hahahaha
Kaya sana maintindihan nyo po kung bakit kami nagpapabayad. Big companies nga naniningil din ng delivery charge e kami pa kayang mga naguumpisa pa lang. Hahaha
Thank you so much sa lahat ng nakakaunawa at patuloy na umoorder. Naaappreciate ko kayo. Si Lord na bahala sa inyo. Loveyaahhhh! 😍😘