24/08/2022
"I'm Proving to Improving"
Kaya tayo madalas na nape-pressure sa trabaho at sa studies natin ay dahil palagi natin iniisip na kailangan ay may mapatunayan tayo. Palagi natin iniisip yung sasabihin ng ibang tao sa atin kasi pakiramdam natin yung "worth" natin ay nakabase sa sinasabi at dinidikta nila.
I've been in that experience where "proving" myself is important. It is important for me to make sure na maganda palagi yung outcome ng work ko and palagi akong "magaling" sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Walang mali sa paggawa ng best mo pero nagiging masama siya when you are already doing it to please other people. Nagiging masama siya when you see your value dun sa outcome or result ng ginagawa mo. Feeling mo hindi ka matalino kapag mababa grades mo sa school. Feeling mo wala kang kwentang tao at palpak ka kasi hindi maganda performance mo sa work lately. Feeling mo hanggang dyan ka nalang kasi di mo ma-meet expectations ng family, friends, and ng boss mo. Yung mga ganitong pakiramdam ang unti-unting kakain sayo hanggang ma-paralyse ka at malugmok ka sa anxiety.
Kaya naman, ang encouragement ko sayo ngayong araw ay mag focus ka sa improvements mo. Change your perspective of "I'm proving" to "Improving". Celebrate your growth, your success, and your achievements kahit pa gaano kaliit or kahit pa gaano kabagal yan.
Malayo ka pa pero malapit ka na. Konti pa, makakarating ka na. ^_^
Wala kang kailangan patunayan sa mundo, palagi kang tanggap at sapat sa mata ng Diyos.