04/11/2026
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT | NAWAWALANG SUSI NG SASAKYAN
Mga Kabrigada sa sinumang nakapulot o nakakita ng nawawalang susi ng sasakyang Ford EcoSport na may nakakabit na orange tomato keychain, hinihiling po ng may-ari ang inyong tulong upang ito ay maibalik.
Huling nagtungo ang may-ari sa Old Public Cemetery sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City. Bago lumabas ng sementeryo ay nakakabit pa sa kanya ang susi.
Sumakay naman siya ng tricycle patungong University Site, partikular sa Yale Street, na dumaan sa kahabaan ng Old Maharlika Highway (Red V)`mula sa Old Public Cemetery .
Sa sinumang nakapulot o may napansing susi sa mga nabanggit na lugar, maaari po itong isauli o makipag-ugnayan sa aming himpilan.
Malaking tulong po ang inyong pakikiisa mga kabrigada. Maraming salamat! | B. MANALO