22/05/2026
Araw-araw, iba’t ibang customer ang nakakasalamuha namin sa shop at siyempre iba-iba rin ng ugali.
Storya ko lang… may customer kami kanina na naghahanap ng lucky plants para daw swertehin siya. Pero ang pakikitungo niya sa amin, hindi maganda kahit na magalang naman namin siyang kinakausap. Mukha siyang may kaya sa buhay kaya naisip ko tuloy baka mababa lang ang tingin niya sa amin kaya ganoon siya makipag-usap. Gusto ko na sana mag-walk out kanina dahil hindi maganda ang tono ng boses nya pero mas pinili ko pa rin na manatiling kalmado at maayos ang pakikitungo.
--
Hindi natin kontrol ang ugali ng ibang tao, pero kontrol natin kung paano tayo tutugon. Sa huli, mas mahalaga pa rin ang peace of mind, respeto para sa sarili at sa bawat customer na marunong ding gumalang.