30/11/2020
Ano ang Erectile Dysfunction?
Ang erectile dysfunction, ED, o male impotence ay ang medikal na kondisyon kung saan ang isang lalaki ay hirap o hindi kayang patindigin ang kanyang ari habang nakikipagtalik. Maaari ring ituring na erectile dysfunction ang hindi kayang patagalin ang pagtindig ng ari. Sa panahon ngayon, pangkaraniwang ginagamit ang mga gamot tulad ng RiteMED Sildenafil upang pagandahin ang daloy ng dugo sa ari at magdulot ng ereksyon (er****on).
Bagamat mas karaniwan ito sa mga lalaking may edad 75 o pataas, maaari din itong maranasan ng mga mas batang lalaki. Walang tiyak na edad kung kelan mararanasan ng isang indibidwal ang mga sintomas nito, ngunit maaari itong magkaroon ng pangmatagalang epekto sa psychological health at buhay sekswal (sexual life) ng isang lalaki.
Ano ang mga sanhi ng erectile dysfunction?
Dalawa ang maaaring sanhi ng erectile dysfunction. Una, maaari itong maging dulot ng mga psychological causes of ED. Ito ay ang mga sumusunod:
Stress – Stress ang isa sa pinak**alaking dahilan ng erectile dysfunction sa mga kalalakihan. Maaaring manggaling ang stress sa problema sa pera, trabaho, negosyo, mga relasyon, pamilya, at pag-aaral.
Pangamba (Guilt) – Maaari ding magdulot ng erectile dysfunction ang sobrang pangamba o kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan na makipagtalik. Madalas rin itong tawagin sa ingles na “performance anxiety”. Kasama na rin dito ang mababang tingin sa sarili.
Depresyon – Isa ring karaniwang sanhi ng erectile dysfunction ang matinding depresyon dahil nagdudulot ito ng matinding panghihina sa katawan at isip ng tao. Ang mga gamot naman para sa depresyon ay maaari ding magdulot ng ED bilang isang side effect.
Mayroon ding mga pisikal na karamdaman na maaaring magdulot ng erectile dysfunction:
-Sobrang pagkapagod/panghihina
-Sobrang pag-inom ng alak
-Paninigarilyo
-Sakit sa utak
-Parkinson’s disease
-Alta presyon
-Diabetes
-Hypogonadism
-Stroke
SOLUSYON? ALAMIN!
LIBRE ANG MAGTANONG MGA PARE!