20/05/2026
Hindi lahat binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling pinagkakaabalahan. Kaya kung meron ka ngayong negosyo, maliit man o malaki, isa ‘yan sa mga biyayang hindi dapat balewalain.
Pahalagahan mo ito. Pagtuunan mo ng pansin.
Madali lang makalimot at magreklamo kapag pagod ka na, kapag mabagal ang benta, kapag maraming problema. Pero balikan mo lang ang simula. Naalala mo ba kung gaano ka-excited nung una? Naalala mo ba kung gaano karaming tao ang nangangarap lang na magkaroon ng negosyong tulad ng meron ka ngayon?
Ang iba, nag-aapply araw-araw pero walang tumatanggap.
Ang iba, gusto magsimula pero walang puhunan.
Ang iba, pinapangarap lang ang kalayaang ikaw na mismo ang nagmamay-ari ng oras at kita mo.
MAPALAD KA.
Hindi dahil madali, kundi dahil meron ka ng isang bagay na maraming tao ang pinagsisikapan lang makuha. At ang negosyong yan, hindi lalago kung ikaw mismo ang magsasawalang-bahala.
Kaya sa halip na magreklamo, magpasalamat ka.
Sa halip na magsawang ayusin, piliin mong ayusin pa.
Dahil habang pinapahalagahan mo ang negosyo mo, mas pinapahalagahan ka rin ng pagkakataon.
Alagaan mo ang pinaghirapan mo. Baka ito pa ang magdala sa’yo at sa pamilya mo sa mas magaan na buhay.
followformore