03/01/2026
PAALALA NG DILG PARA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG SA 2026
Sa pagdiriwang ng Bagong Taon, inuuna ng Department of the Interior and Local Government ang kaligtasan ng bawat pamilya at komunidad. Paalala po sa lahat na sa oras ng anumang emergency, tulad ng sunog, aksidente, o biglaang pangangailangang medikal, huwag mag-atubiling tumawag sa 911 emergency hotline.
Ang 911 ay ang iisang pambansang emergency number na handang tumugon 24/7. Nakaantabay ang ating mga trained emergency responders upang makapagbigay ng agarang tulong at makapagpadala ng tamang responder sa inyong lugar sa lalong madaling panahon.
Sama-sama nating salubungin ang 2026 nang may disiplina, malasakit, at pananagutan sa isa’t isa. Isang ligtas na Bagong Taon para sa lahat.