Apirteks Collections

Apirteks Collections Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Apirteks Collections, Collectibles Store, Tabok Lamac, Yati, Cebu, Liloan.
(1)

10/08/2026

Hi po sa lahat...Unang una po sa lahat, I would like to apologize po to the teks community kasi may nababasa po kasi akong comments na nasisira ko dw yung teks community dahil sa ginagawa ko..And actually matagal tagal ko na rin tong nakikita sa mga teks group na parang di sila natutuwa sa pagrereprint ko ng mga teks and di na dw pwd magpost sa teks group nila...Kasi dw kinokopya ko dw mga vintage teks natin noon, mawawalan dw value yung vintage na mga teks, at gumawa nlng dw ako ng sarili kong design..

Pero naiintindihan ko naman po yung mga punto nyo po.. Kaya nga po kung mapapansin nyo po yung mga gawa ko is nakaglitter po siya sa likod para madaling makita ng mga collector yung kaibahan ng gawa ko sa mga dating teks natin noon..Isa pa po, lahat ng nag inquire sakin ineemphasize ko talaga sa kanila na HINDI PO ITO 90s teks..REPRINTS lng po...alam po yan sa mga nagtatanong na sakin at mga nagpagawa na...

Pero siguro may mga nagrereprint or nagcucustomized ng teks na hindi dinideclare na Custom/reprint lng gawa nila kaya siguro yun yung dahilan kung bakit naaalarma yung mga teks group at naiintindihan ko po yun..Ang di ko lng maintindihan ay kung bakit nagagalit yung iba, at sabihan pa akong itigil ko na dw yung kahangalan ko?parang napakaoffensive mo naman po magsalita...Kahangalan po ba na maishare yung mga gawa ko sa mga batang 80s at 90s at pati narin sa mga bagong henerasyon, kahangalan po ba na magbigay ng tuwa at saya sa mga taong nais magbalik tanaw sa kinaaliwan nating mga teks noon?

I respected you po kasi kayo po yung mga OG when it comes to teks, kaya nga hindi na po ako nagpopost sa mga group nyo po..Pero kayo po, meron po ba kayo nung respeto sa kapwa at sa sarili ko pang page magcocomment po kayo at pinatitigil nyo po ako?HINDI KO PO NILALAHAT po ha, pero minsan napapaisip na rin talaga ako if it's the value of the teks yung pinapahalagahan mo, or is it the MONETARY VALUE ng teks na baka di na mabenta yung teks mo dahil may mas mura na gumagawa ulit ngayon..

If you are a true collector po di ba mas magiging masaya ka pa nga po kasi may bagong 2026 version na naman ng teks na pwd mong ilagay sa collections mo...malay mo tangkilikin din ng tao mga gawa ko at 20-30years from now magiging vintage narin to.....

Kayo po na nagbabasa nito ngayon, ano pong opinyon nyo, dapat bang itigil ko po ba tong ginagawa ko?And please po be resepectful parin po tayo kahit na may mga iba iba po tayong opinyon..Gusto ko lng po talagang magpasaya ng tao..Sympre kumikita tayo pag may nagpagawa satin ng teks, pero di po yan yung main reason ng page po natin. Hindi po ito ang main source ng income ko po, may iba po tayong pinagkakaabalahan at kaya po kung minsan di ko narin po nasasagot yung mga tanong nyo po sakin sa chat..Medyo busy lng po talaga sa trabaho..

Again po..SORRY PO talaga sa TEKS COMMUNITY kung nagalit po kayo sakin..HOPEFULLY PO RESPETO NALANG PO SANA SA KANYA KANYANG GINAGAWA NATIN..MAHAL KO PO ANG TEKS .MAHAL KO PO YUNG KULTURA NATIN SA TEKS...

"Sa pagkokolekta ng teks, Wag po sana tayong maging ISIP BATA, DAPAT PUSONG BATA" -MICHAEL "BITOY" V.....

09/08/2026

Dragonball Hero Collections
Enjoy Watching guys☺️☺️☺️

07/08/2026

Maiba naman🏀🔥🏀🔥🏀🔥
Mga Schicken Curry fanz jan....

06/08/2026

Nakapanood na ba lahat?or huli na ako?🤣🤣🤣....Si Spidey kaya next video natin😁😁😁

03/08/2026

Ok po ba yung backprint?

02/08/2026

Pinakapaborito kong DBZ poker...
Enjoy watching guys..
Please like, share, and follow for more of my teks collections...
Try po natin every Sat and Sun mag upload ng new videos..
Thank You and Enjoy☺️☺️☺️

30/07/2026

I got over 4,600 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

Address

Tabok Lamac, Yati, Cebu
Liloan
6002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apirteks Collections posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Apirteks Collections:

Shortcuts

Share