16/09/2024
Mhinetot β€οΈ
Kasama ngayon, baka bukas wala na...ππ
Minsan, iniisip natin na okay lang ang mga gabing magkahiwalay tayo ng tuluganβdahil sa trabaho, sa pagod, o sa mga bagay na mas inuuna natin. Pero alam mo ba? Isang araw, marerealize mo na yung mga oras na hindi mo siya katabi, hindi na maibabalik.
Kakilala ko, palaging busy ang asawa niya sa trabaho. Laging OT, laging pagod. Kaya natutulog na lang siya mag-isa, naghihintay ng mga gabing darating ang asawa niya para makasama niya sa pagtulog. Hanggang isang araw, nagkasakit yung asawa niya. Hindi na muling nakabalik sa dating sigla at, sa kasamaang palad, ay maagang itong nawala sa kanya. Narealize niya na hindi yung trabaho ang pinakamahalaga, kundi ang oras na magkasama sila.
Ang bawat gabi na katabi mo ang asawa mo ay regalo. π Huwag mong hayaang dumating ang araw na pagsisisihan mo kung bakit hindi mo siya sinamahan sa pagtulog. Kasi minsan, wala nang susunod na gabi para bumawi. ππ€
π π π β€οΈ π β³ π΅π π π« π π π€