13/02/2026
4 NA MANGINGISDA MULA SA LIAN, BATANGAS; NAWAWALA
Patuloy ang malawakang air at sea search operation ng Philippine Coast Guard para sa 4 na mangingisdang nawawala matapos huling makita patungong karagatan ng Ambil at Lubang Islands sa Occidental Mindoro.
Ayon sa Coast Guard Sub-Station Lian, umalis ang grupo mula Lian, Batangas noong Pebrero 8 ng alas-4 ng hapon at inaasahang babalik kinabukasan ng alas-7 ng umaga ngunit hindi na nakauwi.
Sakay nila ang berdeng at pulang motorbanca na may pangalang MJ2. | BChannel news