10/07/2026
Oda Para Sa Mga Hindi Pinili
Pero Patuloy na Nanatili
Tumangan ng matagal
ginawa ang lahat upang patunayan na ika’y mahal
Pero mahal, pagod na ako
Pagod sa kawalan ng panunuyo
Pagod sa di mo pinapansing pagdurugo
Pagod sa bulag na pag-asang kilala mo nga ako.
Sa bawat pag tahimik
Sa bawat di mo pagpili
Tinuturuan mo ako magsisi.
Magsisi sa pagpili mo sa mundo
At hindi sa subukang habulin ako
Magsisi na ako na naman ang lalapit
Sa twing tayo’y nasa gitna ng pagsubok na mahigpit
Wag mo na akong mahalin
Pagod na rin kitang mahalin.
Di ko lam paano tatahakin
na wala ka sa kin
Pero, mahal pagod na ko.
Hanggang sa muli,
Nagbabakasakali…