18/08/2024
Sa mga new car owner katulad ko, ingat po kayo sa Underchargers. Branch na ito is located near Robinsons Las Pinas.
Mas maganda kung may kasama kayong maalam sa sasakyan para hindi kayo maloko tulad ng nangyari sa akin. Baguhan kasi ako kaya hindi ko pa alam ang tamang pricing.
Story is may tatlong oras ako naghintay at nag insist na akong ako na ang bibili nung cover gasket. Ayaw nila kesyo parating na daw. Dun na ako nagisip na may maling nangyayari. Ang research ko, lumalabas na under 2k lang dapat yung pyesa na yun. Ang charge sakin, as you can see sa receipt, 10k plus. Tagang malupit.
So ayun ingat po kayo. Yung horror story ko sa kanila naway hindi mangyari sa inyo.
Posting for awareness.
Ps
Nakausap ko na ngayong umaga yung manager ng site. Turo dito turo doon and kasi yun ang agreed daw.
High level holdap. Nag insist kang kumilos on your own ng makita mo ang mali pero di ka pinakawalan.
Ingat po sa lahat. Sana makita nyo ito bago nyo consider itong shop 😉