24/08/2025
Vico Sotto, may mensahe sa mga kilalang journalists ng bansa
"Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, “Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??"
"Puwede silang magtago sa grey areas: “hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…” pero ’wag na tayong maglokohan. They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad... at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga corrupt kapalit ng 💵.."