21/09/2025
Hindi lahat ng nakikipaglaban ay tunay na bayani at hindi dapat agad silang palakpakan. Bago natin sambahin ang sinumang lumalaban, suriin muna natin kung tama o mali ang kanilang paninindigan.
Habang tayo’y nagdurusa, may iilan na nagpapakasasa sa kayamanan sa loob ng kanilang mga tahanan. Huwag nating gamitin ang dahas bilang paraan ng paglilinis. ipakita natin sa kasamaan na kaya nating magkaisa, magtulungan, at bumuo ng malakas na pwersa na tunay na tatalo sa katiwalian at pang-aabuso.
Mabuhay ang Pilipinas para sa kinabukasan ng ating mga anak, ipaglaban natin ang hustisya nang marangal at sama-sama.
📸 Geloy Maligaya Concepcion