27/02/2026
CLAIRE CASTRO IGINIIT NA ANG “T0KHANG” AY NANGANGAHULUGANG “KlLL”
Nilinaw ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malacañang ang kahulugan ng terminong “tokhang,” kasunod ng argumento ng depensa sa pagdinig sa International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang tanong ng media ay kaugnay ng depensa ni Atty. Nicholas Kaufman, na nagsabing ang ilang salita gaya ng “neutralize” ay hindi dapat agad ipakahulugan bilang pagp*tay at maaaring tumukoy lamang sa pag-aresto sa legal na paraan.
Sa press briefing ngayong araw, inusisa ng isang reporter kung may komento ang Palasyo sa argumento ng depensa na ang mga pahayag ni Duterte ay maaaring “hyperbole” lamang at hindi direktang utos ng pagp*tay.
Ayon kay Castro:
“Sa Pilipinas, pag sinabi mong neutralize at ang gumamit nito ay law enforcement agencies, military… when you say neutralize, it’s a euphemism for kiIIing.”
“Sa Filipino term, pag sinabi mong natokhang ka o itotokhang ka, it means ‘kiII’”
Ang usapin ay lumitaw sa confirmation of charges hearing sa ICC, kung saan iginiit ng depensa ni FPRRD na ang mga talumpati at pahayag ng dating Pangulo ay hindi dapat bigyang-literal na kahulugan bilang direktang pag-uutos ng pagp*tay.