20/06/2025
Dear all,
Mahigit isang taon na rin mula nang huminto kami sa paggawa at pagbebenta ng Bene Olen Perfume. Maraming dahilan kung bakit kami nagpa-pahinga, naloko po tayo ng ilang dealers at sellers, at naging mas mahigpit na rin ang mga regulasyon pagdating sa registration ng mga perfume manufacturers. Dahil dito, nawala rin kami sa Shopee at Lazada.
Sa kabila ng lahat ng ito, lubos po kaming natutuwa at nagpapasalamat dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin kami nakakatanggap ng mga mensahe at tanong kung saan pwedeng bumili ng Bene Olen Perfume. Nakakataba po ng puso!
Isa lamang po kaming maliit na manufacturer at kadalasan ay sa Ilocos Norte lang talaga kami nakakapag-benta noon. Kaya naman laking gulat at tuwa namin na may mga inquiries din mula sa NCR, Visayas, at Mindanao.
As of now, hindi pa po kami makakabalik. Pero sana, very soon... maamoy nyo ulit kami.
Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pagmamahal. 💛
— Bene Olen Perfume