31/08/2020
SALUDO para sa mga BAYANI!
Bayani ka ba? Oo, Ikaw, bayani kba?
Pwede! Pwde kang maging bayani kapatid dahil ang kabayanihan ay hindi lamang iyong nasusulat at naitatala na pakikipaglaban ng ating mga ninuno noong unang panahon. May tinatawag na tayong mga bagong bayani!
Oo at pwedeng isa ka sa mga bagong bayani kapatid! Ang kabayanihan ay nakikita sa gawa ng taong nakikipaglaban para sa ikakabuti ng lahat, hindi kailangang gumamit ng sandata, dahas, pumatay at mag aklas.
Sa panahon ngayong kinakaharap nating pandemya maraming taong sumusulong sa kapahamakan at ng tatrabaho na di alintana ang peligrong nakaabang. Ito ay ang ating mga kababayang nangunguna sa paghahatid ng serbisyo na malunasan at maibigay ang nararapat sa ating kapwa Pilipino.. Ito ang ating mga mangagawang "frontliner", ang ating mga bagong bayani!
Sila ang bayaning ating inaasahan sa ngayon, sila ang nagpupuyat para lamang masig**ong maayos ang lahat, sila ang lumalabas para maihatid ang pangangailangan ng bawat pamilya, sila ang nagtatrabaho para mabuhay ang bawat pamilya, sila ang hindi sumusuko kahit pagod na dahil ma's importante ang buhay ng ibang tao, sila na ng sasakripisyo ng sariling kapakanan para unahin ang kapakanan ng nakakarami at sila ang nag mamahal sa lupang ating Sinilangan na maisalba at maibangon sa kinasadlakan dulot ng pandemya!
Sila ang ating mga manggagawang Pilipino (pulisya, nars, g**o, doktor, sundalo, media men, pari, sektor ng pagkain, laborer, social worker, pampublikong mangagawa, crew, barangay opisyal, boluntaryong manggagawa, lideres, atbp)
SALUDO po kami sa inyong lahat!
MARAMING... MARAMING SALAMAT aming mga Bagong Bayani!
🇵🇭 MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI! 🇵🇭
Spread L❤️vE and HaPPiNeSS 😁
✅Please subscribe my YouTube channel:
https://t.co/oIvn1jsnoy
✅Follow my instagram: