24/09/2021
Mahigpit na ipinapatupad ng 4230 WEAR HOUSE Express ang mga sumusunod na panuntunan sa aming tindahan.
1. No Face Mask / No Entry Policy. Pwedeng magsuot ng Face Shield kung gusto mo, pwede ring hindi. Kung maselan ka, allowed din ang mag-suot ng KUMPLETONG PPE SET. Kung sobra sobrang arte mo, sa bahay ka nalang.
2. Ang tindahan ay pumapayag sa walk-in customers ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang pagtambay lalo na ang mga hindi naman bibili. Lilimitahan rin hanggang tatlo (3) ang maaring makapasok. Matapos makapili o makabili ay REQUIRED NA LUMABAS AGAD sa tindahan o maghintay sa designated waiting area. Ito ay isang tindahan ng Ukay Ukay at HINDI RECREATIONAL PARK para tambayan at palipasan ng oras.
3. Magkakaroon ng RESTRICTED AREA sa tindahan. Huwag pasukin ang mga lugar na ito kung kelan mo trip. Ito ay tindahan at hindi mo tahanan.
4. Ang WIFI Connection ay para lamang sa may-ari, bantay, at piling tao. Ito ay hindi pang-public consumption para gamitin kung kailan mo gusto. Kapag sinabing piling tao, HUWAG IPILIT KUNG AYAW KANG BIGYAN NG PASSWORD. Special ka lang sa paningin ng ina mo.
5. Bawal ang uminom ng alak o kumain sa tindahan. Dalhin ang bisyo sa sariling tahanan o bakuran. Tandaan, ito ay tindahan ng UKAY UKAY AT HINDI BEERHOUSE.
6. Kung may katanungan o nais sabihin, maaaring magpadala ng mensahe. Magtext o magpadala ng Private Message sa Facebook. WALANG REPLY MEANS WALANG PAKE ANG MAY-ARI.
7. Ang mga panuntunang ito ay ipapatupad simula September 24, 2021 hanggang sa gusto ng may-ari. Maaaring madagdagan ang mga rules na ito, depende sa trip ng may-ari. His store, his rules. Madali naman siguro itong intindihin at karamihan sa mga ito ay nakasalin na sa salitang Filipino. Kung di mo makuha, itulog mo nalang yan.
Stay Safe Mineros!