18/05/2020
🔥HOW TO BE A RESELLER🔥
TIPS:
1. Una mong bentahan ang mga kakilala mo sa facebook, mga kabitbahay, kamag-anak, at kaibigan mo. Kapag nakabenta ka, wag mong kalimutan magpicture kasama ang item na naibenta mo sa kanila, pwede mong takpan ang mukha ng customer mo o kung payag naman syang ipost ang pic nya mas maganda. Sabihin din sa inyong customer na magpost sa facebook na sya ay nakabili sayo, sa madaling salita, humingi ng feedback.
2. Gumawa ka ng “Proof of Transactions” na album. Dito iupload mo ang mga photos ng mga bumili na sayo. Pwedeng picture lang ng item na nabili at lagyan mo ng “Fansign” na nakasulat sa papel. (Pangalan mo o kaya pangalan ng iyong Online shop.
3. Kapag nakabenta ka na sa mga kakilala mo, pwede ka ng tumanggap ng mga orders for shipping, galing sa kahit saang sulok ng Pilipinas o kahit abroad. Depende sayo.
Kailangan ay nakabayad na ang mga nagorder sayo on or before your cut off date. Kasi yung binayad nila ang ibabayad mo naman sa iyong supplier. Always remind your buyers na pre-order ito, meaning ipapadala pa lang sayo ang mga items kaya mag adjust ng ilang araw para sa delivery time. Usually it takes 2-3 days pero kapag nadelay, maaaring umabot ng 1 week.
👉ONLINE SELLING WITHOUT
CAPITAL🙀
Oo bes, pwedeng pwede kang mag-umpisa nang wala kang nilalabas na pera. Ito ang tinatawag na pre-order basis. Grab ka lang ng mga photos galing sa supplier mo at ipost sa iyong facebook. Tubuan mo ang presyo ng iyong supplier, for example: Dress 100 pesos sa supplier mo, gawin mong 150, 180 or 200, depende sa item.
Take note: Kung isa lang naman ang oorderin mo sa supplier mo at magbabayad ka pa ng shipping fee ranges from 120pesos and up, baka lugi ka pa sa tubo mo. Kaya ang maipapayo ko sa inyo, ay gumawa kayo ng “cut off date” nyo para sa inyong mga customers.
Tandaan:
Hindi magiging madali sa umpisa. Maaaring panghinaan ka ng loob kapag pakiramdam mo wala namang umoorder sayo o kahit nag iinquire lang. Post lang ng post ng pictures! Gawin regular and be aggressive sa pagpopost. Itag ang mga kaibigan mo sa bawat post mo. Sipag at Tyaga lang yan kaibigan. Tutal wala ka naman puhunan dito kundi ang oras at pagod mo. KUNG GUSTO MO TALAGANG KUMITA,PAG ARALAN MO.
WORK SMARTER NOT HARDER😉