24/04/2020
Good afternoon po sa mga friends and followers ko ng page ko na ito Ako po ay isang housewife lng na pilit gumagawa ng paraan para kumita at makatulong sa asawa at pamilya.
Gusto ko lng pong manawagan para sa mga mabubuting loob jan na kung may extra kayo na pwede nyo pang itulong pag pinagsama sama po natin yan ay magiging malaking halaga nrin.
Gusto ko po sana makatulong sa mga kababayan namin dito na halos di na kumakain sa loob ng isang araw.
Para po sa mga bata na umiiyak nalng twing nakakaramdam ng gutom. 😔
Hindi ko po matiis na wala akong gagawin parang ang kalooban ko sa twing mkakakita ako ng mga pamilyang halos di na mkakain.
Mga mangangalakal,construction worker,tindera,na di po mkapaghanap buhay sa panahon ngaun.
Humihingi po ako ng suporta sa inyo sa panahon na to mpapakita po natin ang malasakit sa kapwa natin.
Sa ngayon po nakapamigay na kmi ng 150 Faceshields sa mga Frontliners namin dito. At patuloy parin po ang pagawa ko nito.
Ngayon po sana ay target ko naman ay mkapagbigay khit bigas sa kanila. 🙏😔
Alam nmn po natin ang tulong ng LGU natin ay limitado lang po.
Wala po akong pinipilit na hingian kung sino lng po sana ang may bukal sa loob na mkapagbigay kahit barya ay malaking tulong narin po sa ibang tao.
Sa ngaun ang meron palang po ako ay isang sako ng bigas sana po madagdagan pa para nmn po mas marami pa tayong matulungang pamilya! 🙏❤️
To God be the Glory!!!
Sa mga mkakabasa sana po ay mai share ninyo ito para po mkarating pa po sa ibat at hipuin ng Panginoon ang puso nila at matulungan ang mga bata na nagugutom sa aming lugar.