11/02/2021
Full Mechanical or Variable mods? Ano ba dapat?
Paalala muna: DO NOT SELL TO MINORS AND MINORS ARE NOT ALLOWED TO V**E! INCHENDES? π
Ano ba ang pagkakaiba ng Full mechanical at ng Variable mods? eh kung tutuusin parehong v**e lang naman? Sabi nila! π€
Ang full mechanical mods ay isang klase ng v**e na hindi regulated ang power wattage. kaya malakas ang ibinibigayng power wattage patungo sa coil. Binabase ang lakas nito sa kanyang baterya kaya the more na malakas ang boltahe ng baterya, the more na malakas itong umusok. Hindi ito advisable sa lahat ng beginners kaya wag kang magmagaling na kasi gusto mo yung talagang malakas umusok! π ang klase ng v**e na ito ay for advance users only o yung mga may alam na talaga sa v**e! Kailan ito nagiging delikado? Delikado ito kapag may problema na sa baterya, lalo na kapag yung baterya ay nag'peel o may punit na yung battery cover at makikita mo na yung katawan ng baterya. kasi mag bubunga ito ng direct ground sa v**e kung saan man yung naked part ng baterya. Nagiging delikado din ito kapag overuse na ang v**e at masyado ng mainit kaya bumibigay yung baterya kaya ito posibleng sasabog. Isa ring rason kaya ito nagiging delikado kasi kulang sa maintenance cleaning. Direct contact lamang ang full mechanical kaya dapat ay may cleaning routine ito at nang ma'check mo rin yung loob o yung mga baterya kung peeling or punit naba ito. At mas mura ito kumpara sa mga variable mods.
Ang Variable mods or regulated wattage mods naman ay kabaliktaran ng full mechanical mods. Regulated ang power wattage nito kaya safe na safe gamitin. Bakit naging regulated? Naging regulated ito dahil may built'in chipset ito kagaya na lamang ng mga cellphones na ating ginagamit araw2x, kagaya din ng motherboard ng computer, kagaya ng mga digital na relo, orasan, tv o maging ano paman. Kung ating papansinin, ang lahat ng nabanggit ay may mga kaukulang Screen Display. Kaya dito rin nabibilang c variable mod. Ang purpose ng Screen Display ay para mamonitor ang power wattage ng mod na pwed mong bawasan o dagdagan kung gugustuhin mo, Ohms resistance ng V**e Coil, Battery Power, Yung Amps na binibigay ng baterya o maging ano paman. Sa tuwing may problema sa baterya o atomizer ay makikita mo na kaagad ito dahil yung v**e na mismo ang magsasabi sa pamagitan ng pagdisplay nito sa kanyang screen. Kaya ito safe na safe sa lahat mapa baguhan mn o advance user. Ito rin nirerekomenda kadalasan ng mga v**eshops.
Kaya parehong v**e nga ba ang mga ito? Nasa sayo narin kung saan sa dalawa yung gusto mo kung gusto mo magswitch into v**e pero mas mabuting maging maingat at maging responsableng v**er tayo o sa anumang mga bagay na ating ginagawa.