26/10/2017
Pls like and share
Oh! Aking Ina, kay buti mo (ni Kaizen Lacdan)
Oh! Aking Ina kay buti mo,
Paano matutumbasan ang tulad mo.
Sa lahat ng malasakit,
kahit na kay pait
Ginawa mong araw ang gabi,
Para kaming mga anak mo ay mapabuti
Sa lahat ng sakit na iyong tiniis,
Ngayon kami ay naghihinagpis
Oh! Aking Ina kay buti mo,
Kelan muli madidinig ang tinig mo
Mga yakap na nakakasabik,
Gusto namin muling manumbalik
Ang maamo mong mukha,
Di na masisilayan
Sa panaginip na lang namin matutunghayan
Oh! Aking Ina kay buti mo, Mahal kita
Hanggang sa huli nating pagkikita.