AGE Cavite

AGE Cavite Angking Galing Entrepinoy Cavite, Inc. (also known as A.G.E.) is an organization of different micro small entrepreneurs within the province of Cavite.
(12)

Mula kay Ma'am Rona Alayon:

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay masasabing malakas at patuloy na lumalago. Gayunpaman, marami sa mga Filipino ay lubog sa kahirapam sapagkat pababa ng pababa ang kinikita ng tao na magiging sanhi upang ang pangunahing pangangailangan ng isang pamilya ay hindi matugunan. Karamihan sa mga Non-Government Organizations ay pinagtutuunan ng pansinang mga pangunahing pangangail

angan ng mga Filipinong salat sa karangyaan. Isa ang Sentro sa Pagpapaunlad ng Pamayanang Lasalyano (SPPL) na nakatuon sa mga proyekto at programa para sa mga kaagapay nitong komunidad. Simula pa noong 1989 ang mga pangkabuhayang gawain ng opisina ay isinasagawa sa tulong ng Youth Education Services Program (YESP). Kalaunan naging programa ng pang-ekonomiya, pangkabuhayan at sa kasalukuyan ay programang pang-enterprise development na naglalayong iangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa komunidad partikular ang mga kaagapay ng Pamantasang De La Salle ng Dasmarinas. Sa tulong ng opisina ng SPPL ay naitayo ang isang organisasyong tinawag na "Angking Galing Entrepinoy Cavite, Inc." na ang layunin ay pagtibayin at palawakin ang kaalaman ng mga miyembro o mga maliliit na mangangalakal at negosyante ng Cavite upang mas mapaunlad nito ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng mga pagsasanay. At ito ay maglalaan ng pagkakataon sa mga pamayanan upang maitaguyod nito ang kanilang mga produktoat mapalawak ang kanilang samahan sa pamamagitan ng pagsasali sa mga trade bazaars sa loob at labas ng Pamantasang De La Salle ng Dasmarinas. Nabuo ang grupong ito sa pamamagitan ng mga Trade Fair and Exhibits na naisagawa noong Lasallian Days 2000, inimbitahan ang iba't ibang sektor na kasapi ng SPPL na lumahok sa nasabing mga aktibidad. Mula noon nagtaguyod na ang opisina ng isang grupo na tinatawag na partners, ito ang tawag sa mga taong lumahok sa Trade Fair and Exhibits na galing sa mga lugar na tinatawag na "partner communities" ng SPPL. Mula noon, palagi silang inimbitahan ng SPPL para lumahok sa Trade Fair and Exhibits para matulungan silang maitaguyod at makilala ang kanilang mga produkto sa komunidad lalo na dito sa probinsya ng Cavite. Noong taong 2006, ang opisina ng SPPL ay nakipag-ugnayan sa opisina ng PCCI (Philippine Chamber of Commerce and Industry, Cavite Branch) para lalong matulungan ang "partners" na makilala ang kanilang produkto sa buong Cavite at isa na rito ang Pamantasang De La Salle ng Dasmarinas na tumutulong pagdating sa teknikal na pangangalaga. May 9 na araw ang pagsasanay para sa mga SMEs at marami silang natutunan kung paano nila palalaguin ang kanilang negosyo. Tinuruan din ang mga SMEs kung paano gumawa ng mga "business proposals" para makahanap ng pondo pandagdag sa kanilang puhunan. Meron sa kanilang nabigyan ng pondo mula sa gobyerno. Nang natapos na ang mga pagsasanay ng SMEs, wala ng suporta na nanggagaling sa PCCI. Nagkawatakwatak na ang mga miyembro hanggang ibinangon ng opisina ng SPPL ang samahan at nabuo ito hanggang nagkaroon ng eleksyon at nagtatag ng unang opisyales at nanumpa sa harap ni Dr. Myrna Ramos noong Enero 25, 2008. Ang panunumpa ng nahalal na opisyales ng A.G.E ay nalathala pa sa Manila Bulletin noong Mayo 19, 2008. Mapalad ang grupong ito dahil narehistro na ito sa Security and Exchange Commission noong Mayo 21, 2008. Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng opisina ng A.G.E. para matupad ang layunin na matulungan sila na maangat ang kanilang kabuhayan kaya lagi silang iniimbitahan sa mga trade bazaar para lalo pa makilala ang kanilang mga produkto. At sa kaalaman ng lahat, marami na silang naitulong sa Scholarship Fund ng Pamantasang De La Salle ng Dasmarinas sa pamamagitan ng registration fee sa trade bazaars.

Address

Burol Main
Dasmariñas
4109

General information

VISION: The Angking Galing Entrepinoy Cavite, Inc. is an established organization that aims to keep all Caviteno merchants and traders towards a Christian and environmental development and promotion of livelihood and economy of Cavite. Ang Angking Galing Entrepinoy-Cavite ay isang matatag na organisasyon na naglalayong umagapay sa lahat ng Kabitenyong magangalakal at negosyante patungo sa maka-Kristiyano at maka-kalikasang pag-unlad at pagsalubong ng kabuhayan at ekonomiya ng Kabite. MISSION: The Angking Galing Entrepinoy Cavite, Inc. is associate for the development of micro small entrepreneurs in Cavite by expanding knowledge, product development, promotion, financial support, communication and research. Ang AGE ay aagapay para sa kaunlaran ng mga nangangailangang mangangalakal (micro small entrepreneurs) ng Kabite sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaalaman, product development, promosyon, suportang pinansyal, pakikipag-ugnayan at pananaliksik. For more information, check out A.G.E. sites: 1. Website: http://agecavite.weebly.com/ 2. page: https://www.facebook.com/pages/AGE-Cavite/1456192494637875?ref=bookmarks 3. Twitter Account: https://twitter.com/age_caviteinc 4. Klout Account: https://klout.com/#/user/AGE_caviteinc 5. Instagram: http://instagram.com/age_caviteinc 6. GMail: [email protected]

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AGE Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to AGE Cavite:

Share