27/08/2020
ctt Abs Cbn News
202,361 CASES. Higit 5,000 coronavirus cases ang naitala ng DOH sa bansa nitong Miyerkoles. Narito ang mga balitang dapat mong bantayan ngayong Huwebes, Agosto 27:
* Karamihan sa naitalang COVID-19 cases nitong Miyerkoles ay nasa Metro Manila. https://bit.ly/2YFg9A5
* Gumaling sa sakit ang 1,131 pasyente, habang 99 naman ang namatay dahil dito. https://bit.ly/2YFg9A5
* Umakyat na sa 6,628 ang bilang ng mga doktor, nurse at iba pang health workers na nagpositibo sa coronavirus sa Pilipinas. https://bit.ly/3jjwZfS
* Higit 10,000 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City. https://bit.ly/32oKMuG
* Wala pang sapat na ebidensya para sabihing posibleng magpositibo ulit sa coronavirus ang taong dati nang nahawaan nito, ayon sa DOH. https://bit.ly/2G4ALeR
* "Fit" si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang edad, depensa ng Palasyo kasunod ng pahayag mismo ni Duterte na nangangambang magkaroon siya ng kanser dahil sa kanyang Barrett’s esophagus. https://bit.ly/2YzzYsn
* Nagbitiw na sa puwesto si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales kasunod ng rekomendasyon ni Duterte na mag-resign siya dahil sa kanyang kalusugan. https://bit.ly/2G0IURo
* Nagpositibo sa coronavirus si Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza. https://bit.ly/3lmHTDu
* Inalmahan ng mga residente ang paggawa ng quarantine facility sa loob mismo ng isang subdivision sa Bacoor City, Cavite. https://bit.ly/2EsBdTq
* Nangako ang DOH na tuloy lang ang trabaho sa kabila ng resulta ng isang survey na nagsasabing nakuha nito ang pinakamataas na disapproval rating sa lahat ng ahensya sa Pilipinas ngayong may COVID-19 pandemic. https://bit.ly/3jgQXrn
* Nag-donate ng PPE sets at hygiene kits ang US government sa Davao City para makatulong sa laban ng lungsod kontra COVID-19. https://bit.ly/2YBZWvz
* Ibabalik pero lilimitahan ang public weekly address ni Pope Francis simula Setyembre. https://bit.ly/3lkMCFF
* Nakakapatay ng coronavirus ang kemikal na gamit sa insect repellent, ayon sa isang pag-aaral sa UK. https://bit.ly/2ElqnyQ
* Tila mas malakas ang immune response sa COVID-19 ng kababaihan kaysa sa mga lalaki, base sa pag-aaral. Posibleng maging basehan ito para pagkakaroon ng magkaibang paraan ng paggamot kontra coronavirus, ayon sa researchers ng naturang pag-aaral. https://bit.ly/34BGumz
* Sa London, pinalabas na ang pelikula ni Christopher Nolan na "Tenet", na inaasahang makakahila sa mga manonood pabalik sa mga sinehan sa gitna ng pandemya. https://bit.ly/34FwlVN
Para sa iba pang balita kaugnay ng COVID-19, i-click ito: https://news.abs-cbn.com/covid19-watch
News, public service, and other information on COVID-19.