20/12/2023
MASAKIT BA ANG BALIKAT MO? 😭
Napakaraming sanhi ng masakit na balikat. Ngunit ang pinakamadalas na sanhi nito ay “TENDINITIS” o pamamaga ng mga tendon (ang mga nagkakabit ng masel sa buto para maigalaw ang mga ito).
Ang tendinitis ay isang uri ng rayuma, ngunit hindi ito arthritis (apektado ang mismong kasukasuan). “Soft tissue rheumatism” lamang ang tendinitis, ngunit maaaring maging napakasakit at magpahirap sa pagkilos. Mapapansin ang sakit matapos ang mabigat na gawain o sports, at maaaring mawala ang sakit kung ipahinga and balikat. Walang ibang sintomas na nararamdaman.
Maraming “tendons” ang pumapaligid sa ating mga balikat. Minsan, kung naaabuso ang paggalaw ng balikat, maaaring mamaga o maipit (“impingement”) ang mga ito. Ang mga halimbawa ng mga gawain na kung napakadalas gawin ay nakakasanhi ng pananakit ng balikat ay ang mga sumusunod:
- Pagsampay ng mga nilabhan sa mataas na sampayan
- Pagbubuhat ng mabibigat ng mas mataas sa ulo (above the head)
- Tennis/badminton at iba pang sports 🏋🏻♀️🤽🏼♀️🏸🏊🏼♀️
Maaari din magkaroon ng “BURSITIS” kung saan nagkakaroon ng koleksiyon ng tubig sa mga nagkikiskisang tendon, masel, o buto, at maaaring sumakit ang mga ito.
Paano GAMUTIN ang tendinitis, impingement, o bursitis? 🤔
- Ipahinga muna ang balikat ng ilang araw hanggang 2 linggo (ngunit siguraduhing minsan-minsan ay igagalaw parin ito upang hindi magkaroon ng “frozen shoulder”).
- Maaaring lagyan ng warm compress ng 15 minutes kung mga ilang araw nang sumasakit ang balikat.
Hindi lahat ng sakit ng balikat ay dahil dito lamang. May ibang mas grabeng sanhi (tulad ng arthritis, impeksiyon, napunit na litid, nabaling buto, naipit na ugat, atbp) kaya maganda paring makita ng duktor kung hindi nawawala ang sakit sa balikat. Maaaring pumunta sa rheumatologist, rehab medicine, o orthopedic surgeon.
Sana po ay may napulot kayo dito. Please LIKE & SHARE para mas marami po tayong matulungan.
Dennis kintanar 0977-793-8526