09/09/2019
CHIA SEED
100gms per pack)
Magkukuwento lang ako uli. Ito ay kwentong CHIA SEEDS.
Madaming nagsasabi na superfood daw ang chia seeds dahil it is packed with so much vitamins! (Wow, sa akin pa nanggaling yan?)
Anyways, hindi ako maghe-health teaching. Pero kkuwentuhan ko kayo ng tungkol sa CHIA SEEDS.
Price: Mahalya Fuentes. Pero magtingin kayo sa Lazada or sa S&R... ah basta, kung saan niyo makita. (Mga nasa P300 up depende kung gaano karami ung gusto mong bilhin. Siyempre, mas mahal kung pangkabuhayan showcase ung dami ng bibilhin mo.)
Taste: Wala. Wala siyang lasa. As in. Parang tubig.
Texture: Alam kong mukha siyang tadpoles. Pero hindi po siya tadpoles. At hindi rin kayo tutubuan ng puno ng chia seeds pagkakain niyo unless isa kang taong lupa. Medyo kadiri lang kasi slimy. Pero kung hindi ka maganda, wag kang maarte! Ka-texture nya yung seeds ng kamatis kung talagang nginunguya niyo siya every detail and every aspect of humanity.
Recipe: Hindi ito ang standard pero baka gusto mong subukan.
Pag sawa ka na sa buhay mo: - 2 tbsp chia seeds, soak in 1/2 glass water. Walang lasa yan. ibabad ng 1hr to overnight. Syempre kainin mo after! Gusto mo yan eh!
Pag naman pretentious ka tulad ko: - 3tbsp chia seeds, soak in 2/3 mug milk (non-fat para todo na ang pagkukunwari) ibabad ng 1hr to overnight. - pag kakainin mo na, lagyan mo na lang ng granola (kasi social climber ka, for added texture!) - kung gusto mo naman maramdaman ang presensya ni James Reid, lagyan mo ng isang sachet ng Milo para ma-beat ang energy, energy gap!!!
Marami pang recipes! GMG. Pwede mo isama sa soups, pasta, juice... kahit ano!
Benefits: ERNA to the max! Kung ung jebs mo sintigas ng bato or ng puso ng ex mo, ito ang hinihintay mong magpapalambot nyan! Basta kainin mo nang matino ito. Tiisin mo! Maganda ang kalalabasan! As in, said! Feeling mo after mo jumebs, you are a changed person. Mag-iiba ang outlook mo in life! (Ugaliin uminom ng tubig kasi hydrophylic ang chia seeds)
Tips: Wag pong kakainin ang chia seeds na tuyo. Baka makasama sa lalamunan (GMG na lang, mamshie!) ibabad at least 20mins to 1hr. Ino-overnight ko para sure. It doubles its size pag nababad so tantyahin mo lang ung kaya mong kainin.