04/02/2022
🌸❗BASAHIN AT UNAWAIN BAGO BUMILI NG UKAY UKAY BALE❗🌻🌸
🌸FREQUENTLY ASKED QUESTIONS / REMINDERS🌸
• UKAY UKAY BALE/ SECOND HAND CLOTHING - Swertihan po ang pagbubulto dahil WALANG NAKAKAALAM ng eksaktong laman ng bale. Mapa CLASS A O GOOD FEEDBACK pa yan. May nahahalo pa ring old fashion and damaged clothes. Iba iba laman ng bulto kahit mapabest code pa yan o hindi. Talagang may pumapalpak na bale. Minsan panalo, minsan talo. Kaya wag masyadong mag expect dahil nakadepende pa rin sa inyo kung paano nyo gagawan ng paraan para lumabas yung ganda ng damit. Wag nyo kaming sisihing mga supplier. Dahil hindi po namin alam ang eksaktong laman ng mga bale at nakabase lang kami sa mga PREVIOUS FEEDBACK ng mga madidiskarteng buyer ko.
• Sa ukay ukay kailangan ng sipag, tyaga at effort kung gusto nyo makabenta ng maganda, mahal at magkaroon ng madaming customer. Natural na lukot lukot pag bukas nyo factory sealed ang mga bale meaning machine nagcompress nyan kaya lukot at di nyo ma appreciate yung ganda ng damit. Dumating po ang mga bulto sa Pilipinas ng naka packed na po, hindi po namin yan binuksan or pinagpilian. As is po namin binebenta ang bulto. FACTORY SEALED/MACHINE PACKED/MACHINE PRESSED.
• NO RETURN NO EXCHANGE po tayo.
🌻🌸UKAY TIPS🌸🌻
➖ Laba, plantsa, at pictorial lang katapat nyan. Lahat ng negosyo kailangan paghirapan para maging success. Kaya hindi uubra sakin yang word na
" Ano ba ito? Ni sampung piso di ko ito mabebenta!"
" 10 pcs lang maganda the rest ang panget na!"
" Hindi mababalik puhunan ko dito."
" Blah, blah, blah."
Dito palang sis tigilan mo na ang pagnenegosyo sa ukay. Lahat ng negosyo ay risky hindi naman pwedeng magic at boom agad yan kailangan mo ng diskarte at tyaga lalo na't pinili mo ay ukay / second hand clothing.
➖ Kung TAMANG code/bale ang binigay sayo, WALA KANG KARAPATAN ibalik at magreklamo sa bale. For example ( Ktees ang order pero binigay Shorts. Dun lang po pwede marefund). Take the risk of ukay. Kaya sa ukay kailangang kailangan na malakas ang loob mo. Hndi puro reklamo at arte. Kumilos ka at paghirapan mo kasi balang araw bubunga lahat yan ng hirap, tyaga at pagiging positive mo sa negosyong ukay.
➖ Wag maging nega! Always stay positive kahit hindi kagandahan ang nakuha o hindi ka satisfied. Isa lang talaga ang sagot. DISKARTE. Mahirap dumiskarte para mga MAHIHINA ang loob at sumusuko agad. Wag nyo pairalin ang bibig! Hindi gaganda at mabebenta yang mga damit kung bibig gagamitin nyo.
ccto.