29/04/2026
Gaabor EC-20E01B 2L Electric Pot Part 1 (Pirito ng siomai)
Yan pinaluto sakin ni misis yung binili nyang siomai, naisip kong gamitin yung Gaabor Electric Pot namin, meron nga pala nito si misis di nagamit, prito yung gagawin ko.
Hinugasan ko muna, sinubukan kong ipanghugas sa kanya yung sabon at sponge, iningatan ko lang huwag mabasa yung ilalim, mukhang nandun yung citcuit nya eh, siguro yung tamang paglinis sa kanya punas punas lang, non-stick na kasi sya, pero para sakin kasi mas malinis kapag hugas 😅👍👌.
Nung tapos ko ng hugasan, pinainit ko na sya, para matuyo yung basa ng di magtilamsik yung mantika, pero mas maganda yatang punasan na lang ng tissue yung basa, para kasing delikado paganahin ng walang niluluto, parang magoover heat yung heating plate, pero kahit ganun man ginawa ko di naman sya na damage.
Nung natuyo na, linagay ko na yung mantika, inorasan ko, mga 9 minutes kong napainit yung mantika, yun mukhang pwede naman na tumutunog tunog na nung nilagay ko na yung mga siomai.
Yung pagluto ko naman, inabot ng mga 17 minutes, hinintay ko kasing mag brown yung siomai, combination ng level 1 and 2 ginamit ko, ayaw ko kasing ibabad ng naka 2, para di mapwersa yung electric pot, baka kaya inabot din ng ganung katagal kasi matigas pa galing freezer yung siomai, pinalambot ko lang ng kaunti sa tubig.
Tinesting ko narin ng watt meter ko kung gaano kalakas kunsumo nya sa kuryente, inabot ng 250 watts kapag level 1, 590 watts to 600 watts naman kapag level 2.
Yun nung hinango ko na at tinikman mukhang na over cook 😅.
Kung nagustuhan mo tong electric pot ni gaabor, mukhang sold out o phase out na tong model na to, 3L version na lang nakita kong available na halos katulad nito.
Dito mo pwedeng mabili yung 3L version:
https://vt.tiktok.com/ZS9NXwnMP6Yau-jJ25G/
https://s.shopee.ph/2LUjfQcBpU
https://s.lazada.com.ph/s.Z4nnx4?t=p-i5l0GvC-sYE6NEJ