24/05/2026
Asawa mo pa ba ako, o nanay nalang ng anak mo?
Mula nung nagkaanak tayo, pakiramdam ko nanay na lang ako taga budget, taga linis, taga laba, taga handa ng lahat.
Pero hindi yun yung ang alam kung meaning ng pagiging asawa.
Ang asawa, tinatanong kung okay kapa,
niyayakap kahit walang dahilan
nilalambing kahit walang kasalanan
hinahalikan hindi dahil may gusto,
kundi dahil mahal.
Pero ngayon hindi ko na yun naramdaman parang ginawa mo na lang yung responsibilities mo bilang asawa, pero nawawala na yung care, jamming at pagmamahal.