21/09/2025
Nakakalungkot na pangyayari. Tulungan nyo po sana kaming makahanap ng copy ng cctv sa area ng Camias, lagpas ng Red Horse papuntang North (Pa Gapan, Cabanatuan). Pwede din po sana kahit sa brgy Balite, Salacot, Bantog o san man brgy na posibleng dumaan ang mga ito. Bandang 8:09 to 8:30pm po ang pangyayari.
Isa pong LilyMove Rider ang na motornap at nabiktima ng robbery. Pinadapa at tinutukan ng baril, pinaikutan ng 6 na tao na naka helmet. 2 naka aerox at hindi na makilala ng rider ang isang motor. Kinuha ang motor, bag, pera at cellphone. Sa Awa ng Dyos ay ligtas po ang ating rider.
Mag iingat po ang lahat. Uso ang nakawan ng motor. Walang pinipiling lugar at oras ang mga taong halang ang kaluluwa. Para sa lahat ng delivery rider, nasa kalsada talaga ang hanapbuhay natin. Maging alerto at mapag matyag.
Kahit ga sinulid ang pag asa, sana po mahanap pa rin ang may gawa neto at sana po ay maibalik ang nakuha sa rider lalo na at kaagapay nya ito sa paghahanapbuhay.
Unit ng motor:
NMAX V2
COLOR BLACK
PLATE # 755WPA
Kasalukuyan po kaming nandito sa police station San Miguel at nakikipag ugnayan sa ating kapulisan.
Pa share po sana po ito ng maikalat.
Cong Mark Cholo Violago , Mayor B**g Alvarez VM Jhong reyes sana po ay matulungan nyo kami.