15/02/2022
Ang Tagupaypay ay isang klase ng halaman o kahoy na hugis kamay. Kinukuha ito ng mga pangkat-etnikong Aeta sa mga kabundukan. Ginagamit ang kahoy ng Tagupapay sa gayuma, pang-akit ng customers, pampaamo sa mabagsik na boss, at may hatid ring suwerte sa buhay.
Maaaring ilagay ang kahoy ng tagupapay sa isang bote na may langis. Puwede rin itong gawing sangkap o lahok ng kalmen (pouch) na ilalagay sa bao ng niyog na walang mata. Maaari rin naman na ilagay lang ito sa bulsa o sa loob ng bag. Sa mga may tindahan, ilagay ang kahoy ng tagupapay sa cashbox/cash register/ o lalagyan ng kita bilang "pangiliti" sa mga customers.
Kung ibig gamiting sangkap ang tagupapay sa gayuma, ilagay lang ito sa loob ng bote na may pabango (perfume/colonge). Ito ang iwiwisik mo sa iyong katawan bago lumapit sa taong napupusuan upang ikaw ay maging kaakit-akit at kaaya-aya sa kaniyang paningin. Maaari ring gamitin ang pabango na may nakababad na tagupapay kung ikaw ay may job interview o business transaction.
Ang tagupaypay ay agapay lamang, panatilihin nating manalig at manalangin sa Panginoon,samahan ng sipag at tyaga.
PM para sa detalye.
Pede Sa pbngo, perahan at maindoor