25/04/2022
USAPANG PRESYUHAN SA UKAY 👌🏻
“Ay ukay lang yan, ang mahal naman.”
“Ay bakit may bayad delivery, dapat libre na malapit lang naman kami.”
“Marami na akong nabili ha, dapat may free.”
“Pwede bang may discount?”
“Bakit ang tagal nyo mag reply?”
Bakit ganito? Dapat ganito.
Bakit ganyan? Dapat ganyan.
To all our customers, sharers, friends, fb friends, and future buyers…
Thrift selling is not that easy,
Posting or Live Selling both of them is no joke.
Ukay is risky,
Dumadating sa amin ang bulto na factory sealed, walang kasiguraduhan sa laman neto.
Pag bukas ng bale
Bubungad samin minsan ang alikabok, amoy, atbp.
Sorting, quality checking, pag sukat, swerte na kung 80-99% sa bale eh magaganda & bentables.
Paglalaba na inaabot ng 2-3 days para masigurong malinis at maayos… minsan yung tubig parang may putik sa sobrang dumi
Mula umaga hanggang gabi, kadalasan ay handwash pa upang hindi masira ang damit…
Gagawin lahat ng paraan para maging presentable sa buyers dahil once naging buyer din kami..
Hangad namin makapag hatid ng quality products sa mga customers namin.
Posting na ginugugulan ng oras 4-5 hours product shoot in 3-5 days / 12 hours product shoot in 1-2 days…
Sa likod ng camera ay mga luha at tawa
Madalas pagod sa pag aayos ng mannequin / props, etc.
Masakit na katawan dahil sa…
kakatayo makakuha lang ng magandang anggulo;
kaka ayos ng mannequin na napaka bigat;
at editing pa na nagpapasakit sa ulo gawa nang lumalabong mga mata. Saklap diba?
Live selling na minsan umaabot ng 3-4hrs minsan mas higit pa..
Walang humpay na pagsasalita hanggang magka paos paos na makapagbenta lang,
Kahit minsan wala na halos nanonood pero laban lang.. Bawal panghinaan ng loob..
At hindi pa natatapos don,
Invoices, packing…
Mano manong pag update sa mga customers ng mga items nila..
Araw araw babad sa cellphone, minsan nasusuka dahil walang pahinga…
Delivery sa gitna ng mainit na araw, at minsan pag minalas malas aabutan pa ng ulan sa daan.
Shipping and meet up sa gitna ng ibang responsibilidad namin sa pansarili naming buhay..
So sa mga mahal naming mga suki at customers...
Iba rin po ang pagtitinda ng ukay sa palengke at ukay sa online, kaya wag niyo po ikumpara.
Hindi lang po items ang napupuntahan ng mga binabayad natin…
Pati na rin po ang oras, effort and stuggles nmin mga seller.
Kaya sana naman po wag po natin tinitipid si seller…
Kesyo ang mahal ng benta, ang mahal ng delivery fee, may handling fee pa…
Minsan delay pa mag bayad, pero mas okay na yun kesa sa bogus/joy na customer.
Naway maging sensitive po tayo sa bawat salitang binibitawan natin,
dahil sa likod ng bawat isang online seller katulad namin ay ang hindi mabilang na struggles na kinakaharap ng bawat isa sa amin, dagdag mo pa ang iba’t ibang taong sinasalamuha namin na may iba’t ibang personalidad.
Naghahanapbuhay po kami para may pang supporta sa sarili naming pamilya.
Sana po ay maging responsable tayo at maging mabait.
Laban lang tayo mga sisters 🙌🏻
Laban mga kapwa online sellers🤗
More sales to come 😍
PS.. Credit to the orig author