18/05/2021
🍂 Guidelines for Newbies
▪️What is UKAY?
Ukay Ukay is a second hand/used clothing so never magexpect ng bongga. We should always lessen our expectations. Hindi maiiwasan ang flaws/damages jan. So, do a lot of research pa about dito bago sumubok sa ukay.
If you are a newbie at nakabili ka ng isang bale/prepack/starterpack/selection/sinakos/take all o kahit na ano pang klase ng ukay and just incase na hindi mo nagustuhan ang laman, besh! Unang una, hindi rason ang pagiging first timer. Sabi ko nga, research ka muna bago pumasok sa Ukay Ukay.
Kapag ikaw ay bumili ng kahit na anong klase ng Ukay at hindi mo nagustuhan, wag mong isisi sa seller o sa supplier mo. Helur? Unang una hindi ka niya pinilit. Pangalawa, ginusto mo yan. And lastly, hindi ka nag isip kasalanan mo yun, wag mong ibintang sa iba.
▪️What are the different types of UKAY?
1. Bales/Bundles/Bulto
These are factory sealed/machine packed ukay clothing. Kahit sinong supplier hindi alam exact content ng bales nagbebase lang sila sa feedbacks ng mga nakapagopen na. Kahit #1 or class A pa yan minsan talaga sumasablay kahit same code pa yan. Madami din brands and codes ang bawat bales kaya need yan pagaralan bago pasukin.
1.1 Ano nga ba ang factory sealed na bale?
Ang mga bulto na nanggaling sa ibang bansa tulad ng korea, china, japan, at US. Yan ang mga kilalang countries na nag eexport ng ukay bales papunta dito sa bansa natin. Sa clothing factories palang sa ibang bansa, pinapack na yung mga bulto kaya kung mapapansin nyo sobrang intact/siksik ang laman ng bawat bulto dahil MACHINE SEALED po ang mga yan. Meaning po, walang sinoman na seller ang may alam ng laman ng bawat bulto na na-packed sa ibang bansa. Dahil pagdating dto sa pilipinas, nasa container truck na po ang mga 'yan at dinidistribute nalang sa iba't ibang panig ng bansa. Kaya doon sa mga baguhan na nagsasabing "pinilian" daw ni seller yung bultong napunta sakanila, paki-isip po mga sis wala naman si supplier doon sa factory nung pinack mga bales.
2. Prepack/Starter Pack
These are sorted from bales na naopen ng seller at siya din nagpack. Sold siya per set. Mix sya ng EUC, VGUC and GUC pero dapat walang damages kung meron man dapat repairable at washable stains lang or minimal flaws. Yung maibebenta pa talaga at mapapakinabangan. Mas mura din siya compared sa selection.
3. Selection
Eto po yung kayo ang pumili ayon sa gusto niyo. Mas pricey siya kasi EUC to Like New ang conditions. Walang flaws, walang stains, walang lints. No damages at all.
4. Take all
Eto yung sometimes mga natira hindi dahil napagpilian na, pwede din natira kasi pricey or wala ng time si seller magretail kaya for take all na binibenta. Hindi din lahat magaganda, but mostly excellent used condition.
5. Sinakos
Eto yung mga natira, napagpilian or sobrang stocks. Hindi maiiwasan ang flaws/damages dito at mga mukhang basahan. Eto din yung mga di na kayang ibenta ni seller at mostly patapon na. Swerte mo nalang kung magaganda ibigay sayo ni seller. Mas mura eto kesa sa lahat. Wag mag expect ng bongga dahil para lang eto sa mga matitibay ang loob.
▪️What is EUC/VGUC/GUC?
1. EUC or Excellent used condition
Eto yung good as new, pwedeng pwede sa maarte.
2. VGUC or Very good used condition
Eto yung medyo may himulmol o very minimal sign of usage. Expect washable stain/dirt.
3. GUC or Good used condition
May stain, himulmol or small na butas. Usually mga pambahay lang. Bawal na bawal sa maarte at maseselan.
📌Always lessen your expectations. Ukay is risky po talaga. Kaya if may balak kang bumili ng ukay, make sure napag aralan mo na. Sa Ukay kasi no return/no exchange/no refund, unless mali ang naibigay sayo ni seller or ni supplier. Kaya just in case na hindi mo nagustuhan ang laman eh magrarant kana sa groups at aawayin ang seller. Again! inuulit ko, research ka muna bago bumili.
📌Ugaliin ding magbasa. Dahil nakadepende lahat sa rules ng seller. Wag masilaw sa mga pinopost nila. If may hindi naintindihan, magtanong ka. Hindi yung nagandahan kalang bibilhin mo na agad. Magbasa ka muna, basahin mo yung rules ng seller/supplier mo.
📌Sa Ukay napakaimportante yung diskarte/sipag at tyaga. Kasi kahit pangit pa mabuksan mo kung ikaw ay may petmalung Marketing strategy kikita ka pa din. Kailangan din sa ganitong negosyo is handa kang sumugal dahil hindi ito one time big time. Hindi araw araw pasko, darating talaga yung panahon na matumal ang benta. Dumarating talaga yung araw na maganda o pangit ang laman. For short, tyambahan lang. Win or loss po tayo dito.
📌Sipag/tyaga/diskarte at mahaaaaabang pasensya ang kailangan sa kahit anong negosyong nais mong pasukin. At dapat nageenjoy ka sa ginagawa mo dahil kapag nageenjoy ka at mahal mo ang ginagawa mo hindi ka makakaramdam ng pagod or stress. Everything will turn out positively.
Kapag may butas, tapalan
Kapag may himulmol, tahian
Kapag may mantsa, labhan
Kapag kulang butones, lagyan
Kapag may lukot, plansahin
Wag puro bunganga ang gamitin, kumilos ka. Wag reklamo ng reklamo kasi first of all ukay ukay ang pinasok mo. Kung tatamad tamad ka hindi ka bagay dito.
📌Kaya sa mga newbies na nagbabalak pasukin ang mundo ng Ukay Ukay, i advice you na pagaralan muna ng mabuti ang negosyong ito. Alamin kung saan at ano ang target market mo. Kung ano ba ang swak sa taste at budget nila. Wag agad panghinaan ng loob dahil lang sa mga nababasa niyo. Sabi nga nila "Don't afraid to fail. Be afraid not to try"
Wag magmadali at ienjoy niyo lang yung negosyo niyo, sooner makikita niyo din yung profit ng pinaghirapan niyo.
Fighting! 💯
purok 7 matnog basud camarines norte