22/06/2023
ALISIN NA NATIN YUNG MINDSET NA!
✖️ Alam ko yung supplier niyan.
✖️ Ang mahal, mura lang yan sa iba eh.
✖️ Discount naman, tropa naman tayo eh!
✖️ Wala na bang tawad?
✖️ Ang laki naman ng tubo neto.
✖️ Marunong din ako gumawa niyan.
✖️ Wala bang freebies?
✖️ Free shipping?
TANDAAN!
🙊 Kung overprice wag na bumili
🙊 Kung hindi niyo gusto, wag ng bumili.
🙊 Kung maselan, wag ng bumili.
🙊 Kung wala namang sasabihing maganda, manahimik na lang.
🙊 Kung tropa mo, wag mo siraan.
🙊 Kung alam mong mas maalam ka, imbes ma manira ka eh sumugal ka rin magbenta.
Hindi po natin alam ung pinag dadaanan ng ibang online sellers bago makapag deliver, makapag provide ng puhunan, makapaggawa o makakuha ng produkto. May kanya kanya po tayong problema at yung iba yan lang ung naiisip nilang legal na paraan para kumita lalo na sa panahon ngayon..
Maswerte ka kung may maganda kang trabaho at hindi mo kaylangan mag-online selling para lamg kumita. Kasi hindi naman porket puro pasarap ang post ng online sellers ay malaki ang kita. Minsan ayaw lang talaga nila na nakikita sa social media yung mga hirap at problemang pinagdadaan nila! 🤔💯💨
CTTO👌🏻💯