31/01/2026
βPUBLIKO, PINAG-IINGAT SA NIPAH VIRUS. PILIPINAS HANDA KUNG SAKALING MAKAPASOK SA BANSA ANG VIRUS!
β
βIlang bansa sa Asia ang naghigpit na sa mga paliparan kasunod ng Nipah virus outbreak sa West Bengal, India.
β
βAyon naman sa Department of Health o DOH, nakahanda ang bansa sakaling makapasok ang virus.
β
βPero alam mo ba, hindi na bago sa Pilipinas ang Nipah virus? Ayon sa DOH, naitala na umano ito sa Sultan Kudarat noong 2014, kung saan nagkaroon ng 17 cases.
β
βAno ang NIPAH virus? Kadalasang nakukuha ito sa mga fruit bats o paniki. Maaring makuha sa mga pagkain o inumin na nadumihan ng paniki at posibleng maikalat ng isang tao na naexpose sa virus.
β
β
βNarito ang sintomas:
β
ββ
Lagnat
ββ
Pananakit ng ulo
ββ
Pananakit ng lalamunan
ββ
Ubo
ββ
Hirap sa paghinga
ββ
Pamamaga ng utak
β
β
βSa malalang kaso maaring mauwi ito sa pagka-comatose o pagkamatay kung hindi maagapan.
β
βSa ngayon, wala pang bakuna o gamot na kayang labanan ang NIPAH virus. Dahil dito, mataas ang antas ng maaring mamatay kung sakaling tamaan nito na umaabot sa 40%-70%.
β
β
β