17/03/2020
BREAKING NEWS | EXECUTIVE ORDER NO. 41 IPATUTUPAD SA OLONGAPO SA ILALIM NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
NAGPALABAS ng Executive Order No. 41 ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Olongapo na magsisilbing guidelines ng mga residente kaugnay sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa lungsod.
"The general public is hereby advised to prepare for their provisions during their period of Enhanced Community Quarantine and the operation of public transport is allowed until 12:00 am of March 21, 2020 provided that the stringent social distancing measures are maintained and observed thereafter mass public transport shall be suspended unless otherwise provided" ayon sa nilagdaan na EO 41 ni Mayor Rolen Paulino Jr.
Ipapatupad din sa buong siyudad ang curfew hours para sa lahat simula alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga .
Maglalatag rin umano ng mga border checkpoints na pangangasiwaan ng mga uniform at health personnels sa mga major entry at exit points ng siyudad.
"A strict home quarantine shall be observed in all households, movement shall be limited to accessing basic necessities, provision for food and essential health services shall be regulated and there will be heightened presence of uniformed personnel to enfore quarantine procedures" ayon pa sa isinasaad ng EO41
Babatanyan ng Joint Task Force ( PNP, AFP, PCG, BFP, CHO, LGU) at paiigtingin ang maritime law enforcement sa coastal areas katuwang ang mga bantay dagat ng siyudad.
Papayagan bumiyahe by land, air at sea ang mga uniform personnel for official business lamang especially ang mga nagdadala ng mga medical supplies.
Ipapatupad din ang work from home sa mga local government units maliban sa AFP, PNP, PCG at iba pang mga health at emergency front line services para masiguro na masusunod ang skeletal workforce.
Samantala, tanging mga establisyemento na may kinalaman sa pagbibigay ng basic necessities ang papayagan na makapagbukas tulad ng palengke, grocery store, water refilling stations, pharmacies, clinic, convenience store, food preparations at delivery services, processing basic food products, banks, remittance center, energy, water telecommunications supplies and services.
Ang mga pribadong establisyemento na may mga produkto at serbisyo na nabanggit ay papayagan lamang na magbukas hanggang alas 7:30 ng gabi.
Gayunpaman sa mga nabanggit na mga establisyementong magbubukas ay dapat ipatupad ang social distancing upang makaiwas sa banta ng COVID-19.
Ayon pa sa EO 41 ng alkalde, walang magaganap na singilan at putulan ng kuryente ng kumpanyang OEDC gayundin ang Subic Water na unang ipinahayag na hindi sila maniningil ng konsumo sa tubig hanggang April 12, 2020 at wala rin magaganap na putulan sa supply ng tubig.
Idineklara ang Enhanced Community Quarantine sa teritoryo ng Olongapo epektibo alas 12 ng hatinggabi ng March 17, 2020 hanggang alas dose ng hatinggabi ng April 13, 2020.