26/05/2022
Bili na habang may stocks pa
Kinumpirma ng Department of Agriculture na ang pagkakaroon ng global shortage ng patatas ang dahilan kung bakit nililimitahan na ng ilang mga fast-food chains sa bansa ang paggawa at paghahain ng 'french fries'.
“Mas nararamdaman po ‘yan sa mga fast food chains because ‘yung mga chipping potatoes po ang shortage po globally at ‘yan po ay inaangkat din po natin. Tayo po, ang ating mga magsasaka, ang itinatanim po nila ay ‘yung mga table potatoes, paglilinaw ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista.
Ayon naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang ilan sa mga lokal na magsasaka sa bansa ay tumigil na pagtatanim ng gulay dahil na rin sa pagbaba ng supply ng locally-produced na patatas at pagsipa ng presyo nito.
“‘Yung presyo ng fertilizer 'di ba internationally tumaas, and of course, ‘yung fuel price tumaas. So ‘yung inputs talaga mataas, kaya ‘yung cost eh hindi kaya, hindi nila kaya,” pahayag ni Rosendo So, Chairperson ng SINAG.
Sa kasalakuyan, nasa P43/kilo ang presyo ng local potatoes sa Benguet Trading Post mula sa dating P32/kilo.
Samantala, sinabi ng DA na mas mataas ang presyo ng mga ito pagdating sa Metro Manila kung saan aabot na sa P70 ang kada kilo ng mga local potatoes.
Source: GMA News