11/07/2024
FOR AWARENESS ❗WAG ISUBSOB ANG MUKHA SA CAKE ❌
REMINDER SA MGA MAG BI-BIRTHDAY AT SA KANILANG PAMILYA
Nagbigay ng babala ang mga seller ng cake patungkol sa dowel na inilalagay nila sa mga cake na kanilang ibinibenta bilang suporta dito.
"Dear Client..
Naglalagay po kami ng dowel. Kadalasan bamboo or bbq stick para tagos hanggang board para lalong matibay ang kapit ng cake especially kung ibabyahe. Iwas sira. Iwas stress kay client at baker.
Kaya please . .. ❌ NO FACE SMASHING po sa cake.. ❌
Pwede idutdot ang daliri sa icing at ipahid pero wag na nating isubsob ang mukha ng kahit sino sa cake...
Ang dowel na inilalagay namin ay support para hindi bumagsak o mag-slide ang cake.. Dahil matataas ang mga cake namin unlike any commercial brand na mabababa ang mga cake at hindi na kailangan lagyan ng pang suporta..."
Mag-ingat po ang lahat ng ang kasiyahan ay hindi mauwi sa kapahamakan.