03/07/2020
Hi po sa mga buyer po for batch 1 & batch 2 ito po yung reason kung bakit diko pa po magpapaship yung mga item kindly read this po thankyou.
Last February po dumating yung item sa ph and nastock po sya sa custom this June lang sya dumating sa address ni ate Izza Ganalongo I always message her po about sa item bat hindi pa nya pinapaship sa akin but until now no response po sya. I saw a post about her that claimed she's a scammer I try to reach her until now but no response pa din po. Nagtiwala ako sakanya since palagi ko naman sya nakaka transact and nag memeet up din kami hindi ko alam kung anong nangyari sakanya bat bigla na lang hindi sumasagot sken :< Sorry po talaga hindi ko alam na mangyayari to.
To those asking kung bakit nasakanya yung item nag pasabuy lang po ako. Marami din po pala kmi na nag pasabuy sa kanya, I will settle this problem po pagbalik ko sa Manila this July 6. Pasensya na po talaga dahil ganto yung nangyari sa mga orders wag po kayo mag alala gagawa po ako ng paraan para makontak sya gusto ko na din kasi to maayos. I really need your patience and understanding for this situation po. ๐๐๐๐
Maraming salamat po sa tiwala na binibigay nyo sken. Pasensya na po talaga gagawa po ako ng paraan para maayos po ito sorry po talaga. Nasira ko yung tiwala na binigay nyo po sken.
Nasa pic. po yung mga item na under batch 1 & batch 2.