14/04/2023
Kaya po lagi muna magbasa ng rules ng mga bibilhan natin.
1. SHIPPING: Hindi yung after nyo magmine saka kayo magsasabi na wala pala kayong shopee, na hindi kayo marunong mag checkout, na ayaw nyo ng hindi Shopee Checkout.
Tapos magagalit kayo kasi hindi madeliver sa inyo sa way na gusto nyo.
2. LOCATION: Hindi yung nagmine na kayo saka sasabihin, "ay pass po, malayo po kayo"
3. PAYMENT RULES: Check nyo muna kung tumatanggap ng COD, kung payment first, or half payment or kahit anong rules regarding payment. Hindi yung kung ano ano sasabihin nyo, Follow nyo ung rules.
4. ITEM PRICE: For bidding ba, fix ba yung price or for mine, steal, lock or grab pa yan.
5. ITEMS FOR KEEP: Kung papayag ba yung seller na for keep kung isa o dalawa lang yung item na namine nyo.
Or kung ilang days nya irereserve.
Hindi yung aabot na ng ilang buwan ung items kahit pa bayad nyo yun.
Yung space sa bahay ng seller, na dapat bagong items na yung nakalagay, nka stock pa ung mga items nyo.
‼️ Incase kulang po yung details na posted ng Seller, magtanong po muna kayo bago kayo magmine, hindi yung nagmine na kayo saka kayo magtatanong ng details.
Hindi ko na mamention ung iba pa, pero PLEASE, basahin nyo po muna ung rules ng seller bago kayo makipag unahan ng mine.
Mahirap po mag explain ng mag explain, isa lang po ung seller, pero ung buyer ang dami.
Respect each other po at makipag usap ng maayos. ☺️