30/07/2021
KEEPER
Katiwala o Katiwaldas?
Maraming naghahangad pumasok sa rabbitpreneurship dahil may kaunting naipong puhunan subalit hindi personal na maaasikaso ang kanilang rabbitry.
Ang iba sa atin ay may full time job, nasa ibang bansa, o nasa Maynila samantalang nasa probinsya ang kanilang rabbits.
Karaniwan, kung hindi man sa asawa o anak, ihinahabilin sa kamag-anak gaya ng pinsan, pamangkin, o katiwala ang pag-aalaga ng mga kuneho.
Ang iba naman ay umaaktong financier habang may ka-tie up silang nagrarabbit. “Keeper” ang tawag ng ilan sa ganitong role o responsibilidad.
Anu’t anuman, ang mahalaga sa ganitong set up ay tiwala at malasakit.
Kung ang ka-tie up mo ay may sarili ring rabbitry, timbangin mong mabuti dahil dapat kalkulado mo ang mga posibleng risks at kasama ang mga risks na yun sa inaasahan mong costs. Halimbawa, tuwing may namamatay ay rabbit mo iyon pero ang rabbit ng keeper mo dumarami. Relate ba?
Sa isang samahan sana ng mga rabbit raiser na nagtangkang magparami ng kuneho para sa mga members nila, naging challenging ang issue ng keeper.
Sa loob ng wala pang isang taon ay dalawang beses pinalitan ang keeper nila dahil sa impresyon ng ilang members na keeper ang unang nakikinabang o keeper pa lang ang nakikinabang sa kanilang common stock.
Kahit anong livestock ika nga, huwag ka kukuha ng katiwala na may alaga ring kagaya ng alaga mo. Payo iyan sa atin ng mga mentor natin sa rabbit industry.
Kung kamag-anak naman o kapamilya, tiyakin na ang passion mo ay passion din ng kapamilya mo. Kasi baka napipilitan lang pala yung kapamilya mo na saluhin ang passion mo.
So… ang keeper mo ba ay kaya mong pagkatiwalaan? Ang keeper mo ba ay magmamalasakit sa mga alaga mo na parang alaga rin nila?
Kung hindi, posibleng isang araw ay mag-lahatan sale ka na lang dahil puro mange na ang mga alaga mo o kaya naman ay puro bansot.
Kung oo, linawing mabuti ang inyong kasunduan. Siya ba ay suwelduhan o porsyentuhan o mix na sahod at porsyento? Siya ba ay may share sa mga paanak nya o wala? Siya ba ay stay in o stay out? Siya ba ay may day off? May rerelyebo ba?
Mga praktikal na konsiderasyon lang po ito. Sana po ay nakatulong sa inyong mga nag-iisip pumasok sa rabbit industry o nagbabalak maghanap ng keeper. Dahil sa tapatang usap, kung di rin lang natin kayang tutukan o wala tayo paraan para matutukan ang negosyo nating rabbit o mamonitor ang ginagawa ng ating keeper, mag-isip-isip muna tayo ng makailang ulit.
Credit to Alvin Rabbitpreneur
Shopping & retail