10/10/2023
โ
Piliin natin pag ukulan ang mahirap na buhay,
nang sa ganon magkaroon ng magandang kulay,
gawin natin itong makabuluhan at may saysay,
harapin natin lahat ng matinding pagsubok sa buhay,
upang tayo ay mas lalong matuto at masanay,
sa mga problemang darating pa sa ating buhay,
at kung sakaling dumating tayo sa angat na buhay,
ang kahirapan at kababaan parin ang piliin nating manalaytay,
sa ating dugo dahil dyan tayo nagmula sa mahirap na buhay,
yan lang ang nag-iisa nating patunay,
na kaya natin humarap sa anomang agos ng buhay,
umangat man tayo at muling bumaba ng pamumuhay,
e handa na tayo sa lahat ng bagay-bagay,
dahil napagdaanan na natin ang agos at ikot ng buhay,
kaya maging kuntento tayo sa anomang meron sa ating buhay,
at huwag makakalimot sa Diyos na siya nating gabay,
upang makuha natin ang saya o ligayang tunay.
- Boyride