08/07/2024
COMPASSION STORY NG ISANG MISYONARYA
Isang malamig na Winter noon sa Ottawa, may isang homeless man named Eric, na naglalakad sa kasagsagan ng Snow. Napadaan sya sa bahay ng isang Elderly woman named Mrs Robinson, isang Misyunarya na noon ay nag so shovel ng makapal sa snow from her driveway. May magandang misyon sa buhay si Mrs Robinson since di sila pinalad na magka anak ng esposo nya.
Since na may sakit ang kanilang Helper, sya na lang ang nagtiagang gawin ito kahit sobrang lamig sa labas. Hindi nya tinuring na kasambahay ang kasakasama nya noon sa bahay.
Si Eric, while walking down a street in Ottawa offered some help, since na walang pirmihang trabaho, naawa sa matanda at nagvolunter na tulungan na lang si Mrs Robinson to shovel the snow at pagkatapos nun, inanyayahan syang uminom ng hot chocolate at kumaain ng lunch sa loob ng bahay nito. Magalang si Eric, kaya nakuha ang loob ng matanda.
Simpleng buhay meron si Mrs Robison, pero may yaman sya at may mga ari ariang naiwan sa kanya ang kanyang namatay na asawa. Wala silang anak kaya parang magaan ang loob nya sa taong tumulong sa kanyang i shovel ang makapal na snow.
Sa kanilang kwentuhan, nabanggit ni Eric na ulila at homeless sya, ilang taon na ang nakakaraan. Nagkasakit sya at di na nakapagtrabaho.
Since likas na mabait si Mrs Robinson, inanyayahan syang maging helper din nya, at dun nagsimula ang magandang kapalaran ni Eric. Naging mabuti syang empleyado at kahit off nya ay pinaglilingkuran pa rin nya si Mrs Robinson, hanggang sa magkasakit ito at tuluyan ng pumanaw sa idad na 90.
All around sya, like Driver, Messenger, Cook, Plumber, and did all the household chores, too. Itinuring syang grandson ni Mrs Robinson. At sinuklian din nya ng kagandahang loob ang ginawang pagtulong sa kanya ng matanda.
Nang mamatay si Mrs Robinson, sa kanya ipinamana ang bahay at sasakyan. And as time passed by, nagkaroon din sya ng trabaho at nagsimulang tumulong din sa mga nangangailangan.
He is now creating a ripple effect of COMPASSION in the community kung saan sya nanggaling. At itinuloy nya ang MISYON ng MISYONARYA.
Nagustuhan nyo ba ang kwento?
Always remember, just do the Right thing and Blessings will follow.
God Bless!