18/03/2024
The best ang 4Mae's Halohalo😋👌
Finally!
Natikman ko din ang trending na halo-halo na ito mula sa 4MAE’s. Ito po ay located sa tabi ng REH Montessori School, malapit sa munisipyo. Kinailangan naming magpareserve ng maaga para hindi kami maubusan!
In fairness, masarap siya, creamy, malambot ang yelo, madaming sahog at talaga namang panalo ang leche flan na naka-topping dito. At dahil meron siyang maliliit na sago, na favorite ko, the more na nagustuhan ko siya.
Ang isang order ay malaki kaya share na kayo ng partner o ng bff mo!
Try nyo! Yun lang agahan nyong pumila 😁