27/08/2021
[NOTICE/UPDATE]
❗ Long post ahead❗
Hello! i've been inactive for the past 2 and running for 3 weeks now, at dahil po sa blangko lang ang nakikita ko sa page at sa messages (both page). I try to ask help sa kakilala ko at may gustong mag-access or report daw sa account ko, both personal and selling account. Nakikita ko lang po ay newsfeed at notifications ng both account ko pero pag sa messenger at messages ng page, blangko lang. Nakikita ko rin po mga message niyo since nagno-notify naman sa notifications, kaya i'm worried din since di ko kayo mareach out. I hope u'all understand me on that part. 🙇🏻♀️
→Update for pending items in kr old consol←
Nakahold pa po yung box dito since pinapahanap ko sa dati kong consol yung ibang parcel na sakanya naka-address; mga parcels for box sharing (3 parcels for Ms. M & 1 parcel for Ms. S). Below is yung mga list na kasama sa old consol pero rest assured na meron na yan sa old consol, yung 4 missing parcel lang dahil walang photo update na nasend saakin. 🙇🏻♀️
- Butter albums
- blackpink photobook & other BP merch
- assorted lightsticks (except ab mots se)
- mamamoo waw
→Update for bts albums sale←
For this, wala akong response sa ph supplier na 'to nung mga june hanggang july at mga august 1st week pero until mga 2nd week ng august, may nag-pop na messages sa gmail ko na mga resellers/buyers sa ph supplier na 'to. Sila pala mga bumili din sakanya for bts albums sale. Nagtatanong sila kung may update na ba or may refund na from this supplier, at may sumagot na 'yes may refund na binigay sakin pero not whole'. They're sharing some contact deets para ma-contact namin yung supplier dito and luckily, na-cocontact naman daw nila. Nagsesend din daw siya ng refund pero paunti unti, at nagsend din ako ng concern ko regarding din sa refund na hinihingi ko. And thank God, sumagot naman at nagsend ng form regarding sa amount ng refund natin sakanya. Yung amount for bts albums sale natin is nasa more or less 17kiyaw sakanya. Kaya daw di siya nagrerespond ay nawala daw phone niya at di niya alam kung san kami mare-reach out. Ngayon, active ulit siya sa pagse-sell ng mga items niya for refund, matatagalan lang daw po dahil medyo malaki-laki yung amount. Yung mga albums naman na meron sa kanya, di ko lang alam bat natatagalan siya magship or wala talaga sakanya, who knows. Pasensiya na po dito🙇🏻♀️ pero rest assured na na-cocontact ko naman yung ibang mga buyers dito sakanya at sakanila din po ako humihingi ng tulong para makausap ko yung ph supplier dito. At nagiipon din ako ng fund dito kung sakali.
→Update for other items na for refund dahil MIA yung kr supplier←
Alam ko po may nasabi akong month for refund dito, pero di ko naasikaso since kinailangan ko din yung extra fund ko dito for personal purpose kaya di ko napansin na nagastos na pala. Below are the items na kasale sa refund, ngayon di na ako magsasabi ng date of refund, pag may extra money nalang po ako saka ako magsasabi, ayaw ko naman po kayong mapaasa. Di ko naman po kayo tatakbuhan, kaya pag nakikita niyo nagbebenta ako ng mga pre-order items, it means nag iipon po ako for refund.🙇🏻♀️
- Pentagon we:th albums
- Suju renaissance album
- Skz album
→Update for Ab mots se LS←
Dito naman po, bale nasa 3rd hand seller na ako since sa ibang supplier ko 'to nakuha. Nasend ko na yung payment but until now wala pa rin response, ang sabi nung last na for refund daw pero wala pa akong nakukuha na refund. Kr supplier po 'to, if wala talaga for refund nalang talaga and as i said, wala pa po akong fund. Sagad as in talaga ang bulsa ko ngayon kaya wala din po ako madudukot para pangrefund.
Re: Di ko naman po kayo tatakbuhan, kaya pag nakikita niyo nagbebenta ako ng mga pre-order items, it means nag iipon po ako for refund. 🙇🏻♀️
Again, i'm sorry po sa mga delay. Its beyond my control na po. and pati na rin sa for refund. I'm not trying to make any excuses po dahil wala naman po akong intensyon na masira ako or ang pages ko. Nagbebenta lang naman po ako since need ko lang din ng funds for myself and pati na rin sa schooling ko. At gawa nga ng pandemya, kaya kinakailangan din kumayod pero di ko naman ine-expect na magkakaganito.🙇🏻♀️ But now, medyo nagla-lie low ako sa pagbebenta dahil sa condition ko. I'm having anxiety attacks lately at minsan ako lang ang naghahandle since ayaw kong makaabala sa iba kaya i'm still praying that i'll be better soon. Hoping na sana maayos na lahat, in God's time.😌
Yung iba naman po na answerable na yung queries dito, eto lang po ang masasagot ko ngayon, I'll start to answer other messages on sunday, maybe gabi ulit dahil po talaga akong phone ngayon, nakikihiram lang. Thank u and God bless!
PS: Let's all pray harder for wisdom that comes from the Lord, mas lalo sa mga nangyayari ngayon.🙂✨