07/02/2026
Pasig no. 1
๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ -๐ฉ๐ข๐ง๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฌ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ , ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐.
-
IKA-06 NG PEBRERO 2026 | PASIG CITY โ Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pangako nitong walang Pasigueรฑong maiiwan, lalo na ang mga Persons with Disabilities (PWDs) na nasa pinakamahirap na kalagayan. Sa ilalim ng Supplemental Financial Assistance Program, opisyal nang sinimulan ang pagbibigay ng โฑ500.00 na tulong-pinansyal kada buwan, o kabuuang โฑ6,000.00 kada taon, para sa mga indigent at bedridden Persons with Disabilities sa lungsod.
Ang programang ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Pasig City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 74, Series of 2024, na kilala bilang Pasig City Persons with Disabilities Welfare Code. Layunin ng ordinansang ito na itaguyod ang isang inklusibo, patas, at makataong lipunan, kung saan ang mga taong may kapansanan ay kinikilala, may pantay na oportunidad, may ganap na partisipasyon, at namumuhay nang may dignidad sa lahat ng aspeto ng buhay.
Bukas ang Supplemental Financial Assistance Program para sa mga indigent bedridden Persons with Disabilities na naninirahan sa Lungsod ng Pasig. Sa ilalim ng programa, ang isang bedridden na indibidwal ay yaong may matinding limitasyon sa galaw at nangangailangan ng buong tulong sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng paglipat ng pwesto, pagligo, pagkain, paggamit ng palikuran, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ang mga nagnanais na mapabilang sa programa ay kinakailangang magsumite ng mga sumusunod na dokumento:
1. Photocopy ng PWD ID, na may nakasulat na updated contact number; at
2. Proof of life โ isang kamakailang litrato (recent photo) ng bedridden person with disability na may kalendaryo o pahayagan na nagpapakita ng kasalukuyang petsa.
Maaaring isumite ang mga dokumento sa Barangay PWD Office o Help Desk, o kaya ay direktang magtungo sa Pasig City PDAO Office na matatagpuan sa Tanghalang Pasigueรฑo o sa Temporary Pasig City Hall.
Matapos ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento, magsasagawa ang mga kawani ng PDAO ng home visitation para sa beripikasyon at balidasyon ng aplikasyon. Kapag ito ay naaprubahan, ang aplikante ay opisyal na maisasama sa programa at magsisimulang tumanggap ng buwanang tulong-pinansyal.
Sa Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng mga makabuluhang polisiya, malinaw na plano, at tumutugong programa, patuloy na tinitiyak na ang bawat Pasigueรฑo, lalo na ang mga taong may kapansanan, ay nabibigyan ng suporta, iginagalang ang kanilang dignidad, at hindi kailanman naiiwan.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Barangay PWD Office o sa ating Pasig City Persons with Disability Affairs Office (PDAO).