Spoken Poetry PH

Spoken Poetry PH Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Spoken Poetry PH, Thrift & Consignment Store, Solidarity, Parañaque.

14/02/2026
12/11/2025

CHOLLO_BONES

11/11/2025

Nasa punto ka na rin siguro ng buhay,
Na kung anumang sabihin sa’yo ng ibang tao ay wala ng saysay.
Hinahayaan mo na lang sila kung ano ang tingin nila sa’yo—
Hindi mahalaga kung mabuti o masama man ito.

Marahil natutuhan mo na rin,
Na may mga bagay na hindi na dapat pang bigyan ng pansin.
Lalo na kung wala namang mabuting maidudulot—
Mas mainam kung hahayaan na lang itong nakatago sa sulok.

Kaya mas gusto mo na lang talaga na wala kang alam.
Ang maubos ay iniiwasan mo lang.
Mas matimbang sa’yo ang katahimikan kaysa masaktan—
Ganito ka tinuruan ng iyong mga karanasan.

Kaya nasa punto ka na rin siguro ng buhay,
Na pagod ka nang magpaliwanag ng nararamdaman.
Kaya “ayos na lang”—
Kahit hindi naman.

Ika-18 ng Nobyembre 2024

11/11/2025

"Para sa sarili mo"

Piliin mo naman ang sarili mo.
Hindi dahil mas kailangan nila ay ikaw na lamang ang laging magsasakripisyo.
Kung sakaling nakalimutan mo na, gusto ko lamang ipaalala sa'yo—
Hindi ka makina. 'Gaya nila, isa ka ring tao.

May mga pangarap ka rin para sa sarili mo.
Mga pangarap na ilang taon mo nang isinantabi para sa mga taong malapit sa'yo.
Nauunawaan ko—
Hindi mo kayang tiisin ang mga mahal mo.

Ang sitwasyon ay hanggang kailan magiging ganito?
Bakit kailangang pagdamutan mo ang sarili mo?
Sa kailaliman ng iyong puso, batid kong hindi ka kuntento.
May maliit na tinig na paulit-ulit na bumubulong sa'yo.

Napakarami mo nang isinantabing mga plano.
Ilang beses ka nang nangako sa sarili mo.
Sa iba'y handa kang magpagamit at magpaabuso,
ngunit 'pag dating sa sarili mo, bakit tila nagdadamot ka? Bakit laging may kondisyon? Bakit laging limitado?

—iampeterpen

Artwork from pinterest.

Address

Solidarity
Parañaque
1711

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken Poetry PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Spoken Poetry PH:

Share