16/07/2026
Maraming salamat po sa mga customer na tulad nito. β€οΈ
Dumating na ang original niya, pero tinanggap pa rin niya ang order na nauna niyang ipinagawa sa amin.
Hindi dahil obligado siya, kundi dahil nirerespeto niya ang oras, materyales, at trabaho na inilaan para sa kanyang customized order.
Sa bawat personalized na produkto, nagsisimula na agad ang production at may gastos na sa materials at paggawa. Dahil customized ito, hindi na rin namin ito maaaring ibenta sa iba dahil para lamang ito sa may-ari ng order. Bukod pa rito, kapag naipadala na ang parcel, may shipping charges mula sa courier na sagot pa rin ng seller kahit hindi ito matanggap ng customer.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagiging responsable. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kaming nagsisikap na magbigay ng maayos na serbisyo.
Sana mas dumami pa ang mga customer na may ganitong malasakit at pag-unawa sa bawat negosyong kanilang sinusuportahan. ππ