15/09/2024
San Judas Tadeo
Patron ng mga nasa Gipit na Kalagayan at Imposibleng Bagay.
Kapistahan, Oktubre 28
Isa ang mahal na patron na si San Judas Tadeo na kilala sa pananampalataya na mga deboto na humihiling sa mga bagay na imposible. Si San Judas Tadeo ay kaiba kay San Judas Escaryote. Sa paniniwala sya ay kamag anak ng Panginoong Jesus na nagsisimbolo na may hawak na kahoy sa kanan at larawan ni Jesus sa kaliwang kamay na nakalapat sa dibdib. Kung may mga kahilingan ka na nais mo matupad sa karera, kalusugan at iba pang kahilingan na gusto mo matupad isa si San Judas Tadeo na dapat mo lapitan dahil sa kanya ay walang imposible. Marami ng nagpatunay na hindi nabigo at bumitaw sa pananampalataya ng kahilingan na natupad.Si San Judas Tadeo ay mas kilalang patron din ng mga mag-aaral na humihiling na makapasa sa pagsusulit or board exam , gayun din ang mga nagnanais na mangibang bansa at para sa iba pang personal na kahilingan. Karaniwang araw ng huwebes ang pagdiriwang at pag nonobena para kay San Judas Tadeo na ginagawa hanggang siyam na araw.
Panalangin para Kay San Judas Tadeo
O maluwalhating Apostol,
San Judas Tadeo,
Tunay na kaanak nina Jesus at Maria!
Ipanalangin mo akong labis na kaaba-aba,
gamitin mo, namamanhik Ako sa iyo,
Ang natatanging karapatang
ibibigay sa iyo
upang magdulot ng nakikita
at mabilis na tulong
kung saan mahigpit
ang pangangailangan nito.
Saklolohan mo ako
upang makatanggap ako
Ng kaginhawaan ng loob
at tulong ng langit
sa lahat ng aking mga pangangailangan,
pagsubok, at pagdurusa,
lalong-lalo na sa kagipitang
dinaranas ko ngayon.
(Banggitin Ang kahilingan.)
Ipagkaloob mong purihin ko Ang Diyos
Kasama mo at lahat Ng mga banal
magpakailanman.
Amen
San Judas Tadeo,
Patron ng mga nasa gipit na kalagayan,
ipanalangin mo kami.