06/05/2026
Bawal munang magputol ng kuryente ang PELCO II - Pampanga II Electric Cooperative, Inc. at San Fernando Electric Light and Power Company sa mga kabahayan sa Guagua kung hindi nakabayad ng electric bill sa mga buwan ng May, June at July 2026.
Ito ang ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission sa lahat ng distribution utilities (DU) sa buong bansa sa gitna ng energy crisis.
Ayon sa ERC, kung hindi makakabayad ang mga residential at non-residential establishments sa loob ng tatlong buwan, hindi sila maaaring putulan ng suplay ng kuryente.
Para naman mapadali ang pagbabayad ng electric bills na naipon mula May hanggang July, maaari itong gawing installment hanggang makumpleto ang bayad sa buwan ng Setyembre. Bukod pa ito sa monthly bills naman sa mga buwan ng Agosto at Setyembre. Posible ring patawan ng past due interest ang natitirang hindi nabayarang bill mula sa buwan ng Mayo kung pipiliin ang installment mode.
Para sa iba pang detalye: https://www.facebook.com/share/p/1GncvWFEwP/
Para sa mga sumbong o anumang katanungan kaugnay ng post na ito:
[email protected]
Ang Guagua Information Office ay nag-post lang ng balitang ito base sa unang post ng ERC. Ang mga katanungan ay dapat idirekta sa ERC.